Thai heartthrob Mario Maurer, muling bumisita sa Pilipinas

Showbiz – Miss na daw ng Thai heartthrob na si Mario Maurer na muling gumawa ng pelikula sa Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ng aktor sa muli nitong pagbisita sa bansa kasama ang korean idol na si Sandara Park para sa isang commercial project.
Ayon kay Mario, itinuturing niyang second home ang pilipinas lalo na’t nag-click ang una nitong pelikula noong 2012.
Game naman daw ang si Mario na makasama sa isang movie project si Sandara at nais nila itong maipalabas sa Pilipinas at sa kani-kanilang bansa.
Pero, aminado sila na mukhang matatagalan dahil kasalukuyang abala sina Sandara at Mario sa kaniya-kaniyang career.

Facebook Comments