Rayray Parks Jr., excited nang maglaro sa Alab Pilipinas sa bagong season ng ABL

Sports – Excited na si Rayray Parks Jr. sa pagbubkas ng ika-walong season ng Asean Basketball League (ABL).
Ayon kay Rayray, fully energized siya ngayon dahil makakasama niya sa koponan ang assistant coach niya sa Gilas na si Jimmy Alapag at ang bago nilang recruit na veteran player na si Dondon Hontiveros.
Umaaasa din ang recent MVP ng ABL na si Parks na magiging palaban ngayon ang kanilang koponan dahil hindi sila naging masaya noong nakaraang season na nagtapos ang kanilang kampaniya sa ikatlong pwesto.
Unang makakalaban ng Alab Pilipinas ang Hong Kong Eastern Long Lions kung saan makakaharap nila ang naturalized player ng bansa na si Christian Standhardinger na magsisimula sa November 19 na mapapanood sa MOA Arena .

Facebook Comments