THE TIME TRAVELER! | Grand prize na kotse sa isang raffle sa Mexico, after 50 years pa pwede magamit

Mexico – Pinag-uusapan ngayon worldwide ang isang kakaibang raffle draw sa Ojinaga, Mexico.

Ang grand prize, isang brand new car!

‘Yun nga lang hindi ito ibibigay sa winner dahil ang makikinabang sa kotse ay ang mga kaanak nito, 50 years from now!


Ibig sabihin, kailangan pa nilang maghintay ng 50 taon bago ito magamit.

Paliwanag ng organizer, ito ay dahil may temang “El Viajero Del Tiempo” ang raffle event na ang ibig sabihin ay “The Time Traveler”.

Ito ay para raw ma-experience ng isang Mexican family ang mag-drive ng kotseng gawa ngayong 2018 sa taong 2068.

At habang hindi pa ito ginagamit, ibabaon daw muna nila ito sa tinawag nilang time capsule.

Facebook Comments