Thermal Oxidizer Plant ng Cauayan City, Sinuri ng mga alkalde!

*Cauayan City, Isabela- *Sinuri kahapon ng mga alkalde mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Isabela ang Thermal Oxidizer Plant na proyekto ng Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ni City Mayor Bernardy Dy at Vice Mayor Leoncio ‘Bong’ Dalin.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sangguniang Panlungsod member Edgardo ‘Egay’ Atienza sa RMN Cauayan upang makita ng mga ito ang kauna-unahang planta na proyekto ng Cauayan hinggil sa paggamit ng iba’t-ibang uri ng mga basura upang maging enerhiya.

Ito ay upang masuri din anya kung pasok sa pamantayan ang pag-ooperate ng Thermal Oxidizer Plant na naglalayong mabawasan ang mga basura sa Lungsod at makapagbigay ng karagdagang supply ng kuryente sa nasasakupang lugar.


Kaugnay nito ay inaasahan naman na sa mga susunod na buwan ay mag-ooperate na ang naturang planta na matatagpuan sa Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Samantala, bahagi rin sa ginawang pagbisita ng mga iba’t-ibang alkalde na makiisa sa Bambanti Festival ng Isabela na kasalukuyang ipinagdiriwang sa City of Ilagan.

Facebook Comments