TIG-P10,000 AYUDA SA MGA PUV DRIVERS, IPINAMAHAGI SA BAYAMBANG

Ipinamahagi ng isang partylist ang tig-P10,000 na food assistance sa 325 drivers ng mga mini bus at jeep sa Bayambang.

Inilaan ito sa mga miyembro ng mga kooperatiba kabilang ang mga konduktor at operator sa bayan.

Binigyang-diin naman ng Committee on Transportation and Communication ang patuloy na suporta sa sektor ng transportasyon lalo na sa patuloy na hamong kinakaharap ng industriya na dahilan ng lumiliit na tsansa upang makapangtustos sa pangangailangan ng bawat pamilya.

Plano pang palawakin ang nasabing programa upang makatulong at patuloy na suportahan ang mga manggagawa sa iba’t-ibang sektor sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments