Pagkatapos ng kanyang four-day working visit sa Japan, hindi nalimutan dumalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasal ng kaniyang aide noong Sabado ng hapon.
Kabilang siya sa principal sponsors nina 1st Lt. Kerlyn Kaye Asuncion at 1st Lt. Jan Carlo Tabaculde. Naganap ang kasalan sa St. Ignatius of Loyola Cathedral sa Camp Aguinaldo.
Kasama ni PRRD sina dating Special Assistant to the President at ngayo’y senator-elect Christopher “Bong” Go, DILG Secretary Eduardo Año at incoming senator at noo’y PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa.
Ang mga larawan ay makikita sa official Facebook page ni Go.
Kaugnay ng Japan business trip, nagkaroon ng bilateral meeting sina Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe kung saan nangako ang huli na magbibigay ng grant sa Pilipinas ng may 25 billion yen (PHP12 billion) para sa pagsasaayos ng war-torn Mindanao. Nakapag-uwi rin ang Pangulo ng PHP300 billion worth ng investment deals na inaasahang makalilikha ng may 80,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Ang commander-in-chief ang naging keynote speaker sa katatapos lang na 25th Nikkei Conference on the Future of Asia.