TIMBOG | Isang motorcycle rider, nahulihan ng marijuana sa checkpoint sa QC

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng marijuana sa checkpoint sa Barangay Roxas District, Quezon City.

Kinilala ang suspek sa alyas na TJ.

Nagsasagawa ng oplan sita ang mobile patrol unit ng Camp Karingal nang parahin ang suspek na nakamotorsiko dahil wala itong suot na helmet.


Nang-usisain, nakuha kay TJ ang isang transparent ziplock na may dalawang tube na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Driving Without Helmet.

Facebook Comments