TIMBOG | Isang snatcher ng cellphone, arestado

36

Manila, Philippines – Arestado naman ang isang snatcher matapos mambiktima
ng pasahero ng bus sa Edsa, kanto ng Aurora Boulevard, Quezon City.

Hinablot ng suspek na si alyas ‘Glenn’ ang cellphone ng isang babaeng
pasahero at agad itong tumakas.

Pero hinabol ito ng biktima at hinarang ng mga residente ang suspek.

Hindi na nabawi ang cellphone dahil agad itong naipasa ng suspek sa isa
niyang kasamahan.

Facebook Comments