TIMBOG | Limang miyembro ng carwash gang arestado sa Quezon City

153

Manila, Philippines – Arestado ang limang miyembro ng carwash gang sa operasyong isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni QCPD Director Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar na sina sina Annie Bautista, 39-anyos, Joven Sabalza, 19-anyos, Roel Mendoza, 26-anyos, Jace Solis, 24-anyos at John Asuncion, 33-anyos.

Ang mga suspek na tinuturong mga tandem in rider na sangkot sa insidente ng pangho-hold up sa dalawang carwash sa Quezon City.

Base sa ulat magkasunod na nagnakaw at nang-hold up mga suspek na na-trace ng mga Police sa 4b North Bille Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan sa pamamagitan ng GPS apps sa cellphone.

Narekober sa mga ito ang P242,000 na halagawa ng ninakaw na pera, mga cellphone ng mga biktima, relo at maging ng mga motorsiklo na kinarnap at ginagamit na gateway vehicle ng mga suspek sa pang-hohold up at tatlong baril at bala maging ng isang replika ng baril na ginagamit na panakot.

Facebook Comments