TIMBOG | Number 2 most wanted sa Maynila, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang itinuturing na number 2 “most wanted” personality sa Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Ryan Celis na may kinakaharap na arrest warrant mula sa Manila Regional Trial Court Branch 27 para sa kasong frustrated murder.

Nasakote ang suspek sa oplan galugad matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa tinatambayan nito.


Hindi naman na pumalag ang suspek at kusa itong sumama sa mga pulis.

Facebook Comments