TIMBOG | Suspek na nang masaker sa anim na magkakamag-anak sa Nueva Ecija, nahuli na

Nueva Ecija – Naaresto na ang suspek sa pagkamatay ng anim na magkakaanak na pinagtataga sa Barangay Tambo, Adorable San Leonardo, Nueva Ecija.

Pasado alas-7 Biyernes ng gabi nang mahuli ang suspek na si Jessie Tesoro sa kanyang pinagtataguan sa Tarlac City.

Ayon Tarlac PNP, umamin ang suspek sa kaniyang nagawa.


Ilan sa mga nasawi sa pananaga ay sina Leonila Caballero, Joshua Caballero, Abie Caballero, Serio Caballero at Sonny Custodio.

Isa naman ang kritikal habang tatlo ang nakaligtas kabilang ang dalawang bata na hawak na ng DSWD.

Nabatid na dalawang linggo pa lang nakatira sa tinutuluyan nilang paupahan ang mga biktima.

Facebook Comments