KALABOSO | Lalaki, arestado nang kunan ng litrato ang legs ng isang babae sa Quezon City

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos kunan ng litrato ang legs ng isang babae sa Barangay South Triangle, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Casiano na nagtatrabaho sa isang advertising company.

Ayon sa suspek, customer siya sa isang printing shop sa nasabing barangay nang makasabay ang biktima.


Aniya, naputian siya sa biktima kaya niya kinunan ng litrato ang binti nito.

Nahaharap sa kasong unjustification ang suspek na may pagkakakulong na hindi bababa sa labing dalawang araw.

Facebook Comments