TIMBOG | Tatlong holdaper, arestado sa Malaybalay City

Bukidnon – Arestado ang tatlong lalaking nang-holdap sa isang cooperative manager sa Malaybalay City, Bukidnon.

Nakilala ang mga suspek na sina Rolly Gornes, Daniel Arado at Oliver Saluday.

Nabatid na sapilitang kinuha ng mga suspek ang backpack na bitbit ng biktimang si Medardo Sajonia na naglalaman ng limang milyong piso habang papasok sa ACDI Multi-Purpose Cooperative Bukidnon Office.


Tinangka pa ng biktima na makaabot sa loob ng opisina subalit binaril ito ng tatlong beses dahilan na naiwan nito ang pera at agad tinangay ng suspek.

Narekober sa mula sa mga suspek ang nasa higit tatlong milyung piso na pera, tatlong hand grenades, isang SUV, motorsiklo, apat na cellphones, passbook, pasaporte at iba’t-ibang IDs.

Facebook Comments