SAWI | Isang security guard, patay matapos magulungan ng bus sa Aklan

Aklan – Patay ang isang security guard matapos itong magulungan ng isang bus sa Barangay Tagas, Tangalan, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Edgar Cuaro, 22-anyos na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at dibdib na naging dahilan nang pagkamatay nito.

Sa imbestigasyon, nag-overtake ang Ceres Bus at nasagi nito ang biktima na nakamotorsiklo kaya at nahulog ito.


Dahil dito, pumailalim ang biktima sa bus at naipit ng gulong.

Agad namang naaresto ang hindi na pinangalanang bus driver at iginiit na aksidente lang ang nangyari.

Facebook Comments