Tindahan pinasabugan ginang sugatan sa Aleosan

Sugatan ang 24 anyos na ginang matapos masabugan ng granada sa Brgy Pagangan, Aleosan North Cotabato pasado alas syete kagabi.
Sa impormasyon mula kay Aleosan PNP Chief SINS Edwin Abantes, isang report ang kanilang tinanggap mula mismo sa kay Brgy Pagangan Kapitan Gregorio Guanzon Jr na nagsasabing isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig.
Sa pagresponde na pinangunahan ni SPO4 Russell Calibayan, kinumperma nito na nangyari ang explosion limang metro ang layu sa isang tindahan.
Kinilala nito ang slightly wounded na si Arlene Ferenal Tamanal, 24 years old, married na sugatan sa kanyang kaliwang kamay. Sinasabing bumili lamang ng ice ang biktima ng mangayari ang explosion.
Agad itong naisugod sa Hospital sa Pikit habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP.
GOOGLE PIC

Facebook Comments