Tindero ng Isda, Huli sa Drug Operation ng Pulisya

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang Fish Vendor matapos ang ikinasang drug buy bust operation.

Batay sa imbestigason ng Solana Police Station, dinakip ang suspek ng magkatuwang na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kinilalang si Jomar Tejano, 37-anyos at residente ng Brgy. Afusing Daga, Alcala, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulsiya na nakipagkita ang suspek sa Brgy Gadu, Solana sa poseur buyer kung saan iniabot ng suspek ang isang gramo ng hinihinalang shabu sa pulis at ditto na hinuli si Tejano.


Maliban dito, nakuha pa sa suspek ang isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na binalot sa newspaper.
Umabot naman sa P120,000 ang halaga ng mga nakuhang illegal na gamot mula sa suspek na sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PDEA.

Nabatid na una na ring nakulong ang suspek sa bayan ng Alcala dahil rin sa iligal na droga.

Facebook Comments