TITIYAKIN | Nararamdaman ng mamamayan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin hindi isinasantabi ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi binabalewala ng administrasyon ang sitwasyong kinalalagyan ngayon ng bansa lalo na ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa kung saan umabot na sa 6.7% noong nakaraang buwan ng Setyembre.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alam ng pamahalaan ang nararamdaman ng ating mga kababayan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaya gumawa na ng mga hakbang ang pamahalaan para matugunan ito.


Sinabi ni Roque, inilabas ni Pangulong Duterte ang administrative order number 13 na nagpapabilis ng mga proseso sa importasyon ng mga agricultural products tulad ng bigas na siyan naming naglalayong mapababa ang presyo nito sa pamilihan.

Kasabay aniya ng administrative order ay inilabas din ng Malacañang ang Memorandum Order number 26,27 at 28 na mga hakbang ng pamahalaan para mapatatag ang presyo ng mga basic agricultural products at mapanatili ang supply nito sa merkado.

Ang mga hakbang din aniya na ginawa ng pamahalaan ay para maprotektahan ang mamamayan laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Kaya naman umaasa ang Malacañang na dahil dito ay magsisimula nang bumaba ang presyo ng mga bilihin sa bansa.

Facebook Comments