TITIYAKIN | PRRD, suportado ang mapayapa at matatag na ASEAN

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapwa lider sa Southeast Asia na isusulong nito ang mapayapa at matatag na rehiyon.

Ito ang pahayag ng Pangulo sa nangyaring working dinner kasama ang siyam na iba pang lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon sa Pangulo – handa ang Pilipinas na gampanan ang parte nito, ang papel nito bilang country coordinator sa ASEAN-China dialogue relations hanggang 2021.


Muli rin siniguro ni Pangulong Duterte ang commitment ng Pilipinas para sa buo at epektibong pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Kinilala rin ng Pilipinas ang positive developments sa Korean Peninsula.

Ipinahayag din ng Pilipinas ang suporta nito sa tungkulin ng ASEAN na maghatid ng humanitarian assistance sa mga apektadong komunidad sa Rakhine state.

Facebook Comments