Nabulaga kahapon ang maraming motorista sa national hiway malapit sa tapat ng city hall makaraang nagsagawa ng balik disiplina sa kalsada campaign ang traffic management unit at traffic management center, LTO at LTFRB…Pinangunahan ni PSI Ruel Zafra ang operasyon kung saan marami ang nahuling kulurom na sasakyan. Marami ang naimpound na sasakyan sa tanggapan ng TMU sa old city hall habang ang iba naman ay nakumpiska ang kanilang driver license at natikitan dahil hindi kumpleto ang kanilang mga sasakyan,Pati mga townace ay pinaghuhuli rin.Dapat kasi daw ay nakarenew sila ng sticker sa people palace na nagbibigay sa kanila ng pahintulot na pumasok sa siyudad. Pagkatapos sa unahan ng city hall ay lumipat naman kahapon sa downtown area ang team. Isaasahang magpapatuloy parin ang kanilang kampanya sa balik didiplisa sa kalsada upang matutung sumunod sa batas ang mga motorista.
TMU muling naglunsad ng balik disiplina sa kalsada campaign
Facebook Comments