
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang TNVS driver na nambastos sa aktres na si Xyriel Manabat.
Sa show cause order na inisyu ng ahensya, kailangang sumailalim ang driver sa drug testing.
Pinagsusumite rin ang driver ng written explanation sa loob ng 10 araw para i-justify kung bakit hindi dapat suspendihin o i-revoke ang kanyang prangkisa.
Ipinag-utos na sa mga traffic enforcement agency na i-impound ang unit oras na mag-operate ito bilang public utility vehicle.
Isasagawa ang pagdinig sa naturang isyu sa April 28, habang pansamantala munang sinuspinde ng ahensya ang operasyon nito habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.
Facebook Comments










