Saturday, May 2, 2026

Karagdagang 52.311 million liters ng diesel na inangkat ng Pilipinas mula Malaysia, dumating na sa bansa

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na dumating na sa bansa ang diesel na inangkat ng Pilipinas mula sa Malaysia.

Ito ay kabuuang 329,000 barrels o 52.311 million liters ng diesel na pandagdag sa supply ng Pilipinas.

Una nang dumating sa bansa ang 142,000 barrels o 22.578 million liters ng diesel na inangkat ng Pilipinas mula Japan na dumating nitong March 26.

Kabilang din sa mga kinausap ng Pilipinas para sa importasyon ng langis ang China, Singapore, South Korea, Thailand, at India.

Facebook Comments