Todas Dengue, Todo Na’to Ika-Pitong Kagat, Isasagawa sa Araw ng Kalayaan

Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng Kalayaan bukas (Hunyo 12, 2020) ay isasagawa na rin ang ‘Todas Dengue, Todo Na’to Ika-Pitong Kagat’ ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, ito ay taunang ginagawa sa probinsya na naglalayong mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue at mapigilan rin ang pagkalat ng dengue fever at iba pang sakit na dala ng lamok.

Gagawin ang paglilinis sa kanya-kanyang barangay at inaanyayahan ang lahat na makiisa sa naturang aktibidad.


Kinakailangan aniyang maglinis sa sariling bakuran, sa mga drainage canal o sa mga lugar na maaaring maimbakan ng tubig na pwedeng pamugaran ng lamok.

Paalala naman ni Ginoong Santos na sundin pa rin ang mga protocols gaya ng social distancing sa gagawing paglilinis.

Facebook Comments