Tokhangers Sa Naguilian, Nakapagpasuko na ng isang Drug Identified!

Naguilian, Isabela- Sa patuloy na pagtutok ng PNP Nagulian sa Oplan Tokhang, nakapagpasuko na ang mga ito ng isa, mula sa limang Drug Identified na nasa sa kanilang watch list, ganap alas tres y medya ng hapon kahapon, Pebrero 01, 2018.

Sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News Team kay COP Francisco Dayag, pinangunahan umano ni Deputy Chief of Police Mary Jane Dalumay, kasama ang ilang Barangay Officials, ang isinagawang operasyon kahapon.

Aniya, nadatnan ang Drug Identified na itinago sa pangalang Jen-Jen, 52 anyos at residente ng Barangay Quirat, Santiago City sa kanilang bahay.


Nakumbinsi naman agad ng mga tokhangers si Jen-Jen at boluntaryong sumama sa tanggapan ng pulisya upang sumailalim sa Drug Testing at Profiling Assessment upang matanggal ang kanyang pangalan sa talaan ng Drug Identified watch list.

Lalo namang naging dedikado ngayon ang PNP Naguilian at umaasang mapapasuko pa ang apat na nalalabing Drug Identified na hindi pa nahahanap.

 

Facebook Comments