
Hindi naman umano nababahala si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa paglipad ng Chinese Bomber Plane palapit sa Luzon nitong buwan.
Nabatid na una nang kinumpirma ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea RADM Roy Vincent Trinidad (Ret)(Res) ang paglapit ng nasabing aircraft sa layong 170 Nautical Miles mula Metro Manila, habang umabot ito sa pinakamalapit na distansyang 45 Nautical Miles mula sa baybayin.
Ayon kay Teodoro, hindi naman nakakaalarma ang nasabing insidente at palagay nito ay tinitest lamang ng China kung madedetect sila ng bansa.
Aniya, magiging alarming lang ito kung lalabag sila Air Defense Identification Zone ng Pilipinas, kung saan dito na posibleng magsampa ng diplomatic protest ang bansa.
Facebook Comments










