TOP 1 MOST WANTED SA DASOL, ARESTADO

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Dasol Police Station ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan na kinilala bilang isang 53 anyos na tindero ng isda at residente sa bayan.

Sa bisa ng Warrant of Arrest, nahaharap ang akusado sa dalawang bilang ng kasong Rape na walang inirerekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dasol Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy namang hinihikayat ng Pangasinan PNP ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan, mag-ulat ng anumang kriminal na aktibidad, at manatiling mapagmatyag upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments