Tuesday, November 24, 2026

TOP 1 MOST WANTED SA LA UNION, ARESTADO SA KASONG STATUTORY RAPE

Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa antas lungsod ng San Fernando, La Union dahil sa kasong statutory rape.

Ayon sa pulisya, timbog ang 39-anyos na lalaki noong Nobyembre 20 sa San Fernando City, La Union sa bisa ng warrant of arrest.

Pinangunahan ang operasyon ng City of San Fernando Police Station, katuwang ang provincial investigation, intelligence, at mobile force units ng pulisya.

Nahaharap ang suspek sa kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa.

Nasa kustodiya na ng City of San Fernando Police Station ang suspek para sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments