Arestado ang isang 49-anyos na lalaki na kabilang sa Top 7 Most Wanted Person sa Regional Level ng Police Regional Office 1, sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa bayan ng Agoo, La Union, dakong alas-10:30 ng umaga nitong Nobyembre 20, 2026 na pinangunahan ng Agoo Municipal Police Station.
Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 11654 at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Agoo Municipal Police Station ang naarestong indibidwal para sa kaukulang disposisyon at pagsasagawa ng mga legal na proseso.
Patuloy naman ang kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na maipatupad ang batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







