
Itutulak ng Pilipinas ang mas malawak na digital trade sa Asia-Pacific sa gitna ng APEC Summit sa Shenzhen, China.
Kasunod ito ng paglagda sa kasunduan ng mga bansang ASEAN na layong gawing mas madali ang online transactions at pagbebenta ng produkto sa ibang bansa.
Inaasahang makikinabang dito ang maliliit na negosyo at online sellers sa pamamagitan ng mas malawak na pamilihan at mas madaling transaksiyon.
Samantala, nakatakdang makipagpulong ngayong Huwebes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga lider ng Vietnam at Mexico.
Dadaluhan din niya ang APEC Economic Leaders’ Meeting at makikipagpulong sa Chilean President para sa nakatakdang paglagda sa isang kasunduang pangkalakalan.
Facebook Comments










