
Walang nakikitang problema si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon kung magkakasa ng dalawang araw na transport strike ang grupong MANIBELA.
Matatandaang nauna nang nag-anunsyo ang grupong MANIBELA na magkakasa sila ng dalawang araw na transport strike sa darating na Lunes, November 23, at Martes, November 24.
Dagdag pa rito, nakatakda rin silang magkasa ng programa sa tanggapan ng LTO sa ganap na alas-nuwebe ng umaga, kasama ang mga tsuper, MC Taxi rider, TNVS, UV Express, at mga truck driver, para tutulan ang umano’y pagpapalit ng liderato sa Land Transportation Office.
Gayunpaman, hindi naman kinumpirma ni Dizon ang nasabing isyu at sinabing hintayin na lang ang anunsyo ng Office of the President tungkol dito.
Facebook Comments










