Top 3 most wanted sa Cotabato city, patay sa operasyon kagabi

Patay ang top 3 most wanted person sa cotabato city makaraang lumaban sa isinagawang Oplan Salikop, Oplan Pagtugis at Oplan Paglalansag Omega operation ng pinagsanib na pwersa ng CIDG-ARMM,CCPO, PP3,Regional Intelligence division at 5th SF Battalion kagabi dakong alas sais sa purok Buaya-Buaya barangay Kalanganan dos ng lungsod. Kinilala ang suspect nasi Taingan Waris , na may Warrant of Arrest sa kasong Murder with double frustrated Murder na may criminal case number 2013-5860 at criminal case number 2015-7469, na inilabas ni RTC-12 Branch 13 Judge Banzawan Ibrahim.. Batay sa inisyal na inbestigasyon ng city PNP, habang papasok ang mga pulis sa bahay ng target ay nagpakilala ang mga raiding team, subalit imbes na sumuko ay nanlaban umano ang suspect na pinaputukan ang mga pulis dahilan upang gumanti ang raiding team na nagresulta sa pagkasawi nito. Ayon pa sa report ng PNP, Ang suspect ay isa umano sa mga lider ng Kitab group sa lungsod na responsible sa extortion at gun for hire activities.

Facebook Comments