TOP 3 MOST WANTED SA SAN JACINTO, ARESTADO

Arestado ng mga operatiba ng San Jacinto Police Station ang suspek na tinukoy bilang Top 3 Municipal Most Wanted Person.

Base sa warrant of arrest, nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 na may kinalaman sa ilegal na droga at armas ang akusado.

Walang inirekomendang piyansa para sa paglabag sa RA 9165, habang ₱40,000 at ₱180,000 ang pyansa para sa ibang kinakaharap na kaso.

Sa naging operasyon, narekober mula sa suspek ang isang caliber .38 na baril na naglalaman ng tatlong bala.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang akusado para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments