Tuesday, April 14, 2026

TOP MOST WANTED NG LA UNION, ARESTADO SA BAGUIO CITY

Isang malaking dagok sa kriminalidad ang naitala matapos maaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang itinuturing na top most wanted person sa lalawigan ng La Union sa isinagawang operasyon sa Baguio City noong April 12, 2026.

Ang suspek, isang 52 anyos na magsasaka at residente ng Naguilian, La Union, ay matagal nang umiiwas sa mga awtoridad bago tuluyang matunton at madakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya. Siya ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong qualified rape batay sa warrant na inilabas ng korte.

Matapos ang pag-aresto, agad dinala ang suspek sa ospital para sa isinagawang medical examination. Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng Burgos MPS para sa dokumentasyon bago iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.

Binigyang-diin din niya na patuloy nilang palalakasin ang intelligence operations at koordinasyon ng mga yunit upang matiyak na walang mapagtataguan ang mga wanted na indibidwal, kahit pa lumampas ang mga ito sa hangganan ng mga rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments