Tuesday, April 14, 2026

TOP 1 MOST WANTED SA STA. BARBARA, PANGASINAN ARESTADO

Naaresto ng pulisya ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa Sta. Barbara sa isinagawang operasyon noong April 13, 2026.

Kinilala ang suspek bilang isang 68 anyos na lalaki at residente ng Sta. Barbara, Pangasinan. Siya ay nadakip ng mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder.

Ayon sa ulat, ang warrant ay may kaukulang piyansang nagkakahalaga ng ₱120,000.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Sta. Barbara Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy namang pinaalalahanan ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapabilis ang pagdakip sa iba pang mga wanted na indibidwal at mapanatili ang kapayapaan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments