Total Cases ng COVID-19 sa Region 2, Nadagdagan

3D illustration

Cauayan City, Isabela- Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, muling nakapagtala ang rehiyon ng dalawampu’t apat (24) na panibagong kaso ng positibo sa COVID-19.

Sampu (10) ang muling naitala ng probinsya ng Cagayan, labing tatlo (13) sa Isabela at isa (1) sa Santiago City.


Kasabay nito ay nakapagtala naman ng dalawampu’t lima (25) na gumaling sa sakit kung saan lima (5) ang mula sa Cagayan, pito (7) sa Isabela, tatlo (3) sa Santiago City at sampu (10) sa Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay umabot sa 1, 814 ang total cases ng COVID-19 sa rehiyon dos, 316 ang aktibo, 1, 466 ang recoveries at 32 ang namatay.

Facebook Comments