Posibleng magdeklara na ng total deployment ban sa Kuwait ang Department of Labor and Employment o DOLE.
Kasunod ito ng pagpatay sa Pinay OFW na si Jeanelyn Villavende.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III – nadiskubre mula sa isinagawang re-autopsy sa labi ng OFW na hindi lang ito namatay dahil sa bugbog.
Aniya, tila itinago pa sa unang autopsy ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Villavende.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng DOLE ang kumpletong report sa re-autopsy.
Ayon pa sa kalihim – posibleng hindi na tanggalin ang total deployment ban oras na ipatupad ito.
Facebook Comments