TOTAL FIRECRACKER BAN | Ecowaste Coalition, nais tuluyang ipagbawal ang pagpapaputok pati ang fireworks display

Manila, Philippines – Nais ng Ecowaste Coalition na tuluyang ng ipagbawal ang pagpapaputok sa bansa maging ang mga fireworks display.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner of Ecowaste Coalition, maliban sa maraming nasusugatan, wala aniya itong mabuting naidudulot lalo sa kapaligiran.

Bukod sa usok, iginiit ni Alejandre na tambak na basura rin ang iniwan ng pagsalubong sa Bagong Taon.


Batay sa datos ng Ecowaste, mula sa karaniwang 0.2 hanggang 0.4 kilogram kada basura ng bawat isang indibidwal, tumaas ito ng 0.7 hanggang 1.2 kilogram mula December 20, 2017 hanggang January 1, 2018.

Facebook Comments