TOURIST ARRIVAL SA BORACAY, UMABOT NA SA MAHIGIT KALAHATING SA MILLION

Kalibo, Aklan — Patuloy na dumadami ang mga turista na pumupunta sa isla ng Boracay lalo na ngayong linuwagan na ang quarantine restrictions.
Sa data ng Malay Municipal Tourism Office, naitala ang 512,000 na turista na pumunta sa isla mula Pebrero 1 hanggang Mayo 16 ngayong taon.
Naitala naman ang pinakamataas na tourist arrival sa buwan ng Abril na may 186, 751 na mga turista.
Umabot naman sa 5,869 ang daily average tourist arrivals sa Boracay.
Karamihan naman sa mga foreign tourist ay galing sa Estados Unidos na may 2,004 at United Kingdom na may 845.
Kasama rin sa top 10 sources of tourists ang Australia, Germany, Korea, Canada, Israel, United Arab Emirates, Singapore at China.
Facebook Comments