Malay, Aklan – Patuloy ng tumataas ang tourist arrival sa isla ng Boracay.
Ayon kay Mr. Felix Delos Santos, Chief Tourism Operations Officer ng Malay na simula Marso 1 hanggang 21 ay hindi na bumababa sa 500 ang tourist arrival.
Katunayan aniya, noong Biyernes, Marso 19 ay umabot sa 1,056 ang numero ng mga bumisita sa isla habang noong Sabado, Marso 20 ay may 867 at kahapon ay may 769.
Nangunguna pa rin aniya ang mga turista mula sa National Capital Region (NCR) na nasa 9,295, Rizal 1172, Cavite 1092, Laguna 672 at Bulacan na may 594.
Sa ngayon ay may 15, 643 na ang mga bumisita sa isla ngayong buwan ng Marso.
Umaasa naman si Delos Santos na mas pang dadami ang mga magbabakasyon sa isla lalo nat papalapit na ang summer at aprobado na rin na maging requirement ang Saliva based RT-PCR negative test result na mas mura kumpara sa swab sa test.
Touristarrival sa isla ng Boracay patuloy na tumataas
Facebook Comments