Traffic consciousness month ino-obserba ngayon sa Cotabato City

Ino-obserba ngayon buwan ng Abril ang Traffic Consciousness month sa Cotabato city batay sa Sangguniang Panlungsod Resolution number 6131 series of 2017 kung saan abala ang Traffic Management Center sa pagbibigay ng mga flyers at pagpa-inform sa publiko tungkol sa umiiral na batas trapiko sa siyudad Sa panayam ng DXMY Sinabi ni Kusain Arap ang deputy head ng TMC, na para maiwasan matanggal ng plaka at mahuli ng TMU at TMC ay ugaliing sundin ang mga No parking sa downtown area at mga One way na kalsada.Sa ngayon ay patuloy na inistadihan nila ang bagong Traffic regulations sa lungsod na ipatutupad sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments