TRAFFIC LIGHTS, SANHI ng SOBRANG TRAFFIC sa Naga City Kahapon

Naubos ang pasensiya ng mga estudyante at mga empleyado kahapon sa sistema ng mga pagmaneho ng traffic flow sa Naga City dahil mahigit dalawang oras silang naabala sa kanilang pagpasaok sa eskwelahan at mga opisinang pinagta-trabahuan.
An daming mga estudyante ang na-late sa eskwelahan na kanilang pinapasukan, maging ang mga empleyadong nag-oopisina kahapon ng umaga dahil sa sobrang traffic sa Peñafrancia – Liboton – San Felipe – Magsaysay intersection. Ang itinuturong dahilan ay walang iba kundi ang pagpapaandar umano ng traffic light.
Ayon sa mga byahero, mas mabuti pa kung mga masisipag na traffic enforcers ng Public Safety Office o di kaya’y mga pulis na lang ang magmamaneho ng daloy ng trapiko sa halip na gamitin ang mga traffic lights.
Kinumpirma ni Mr. Rene Gumba ng Public Safety Office sa interview ng RMN Naga-DWNX na talagang pinabuksan sa unang pagkakataon ang mga traffic lights sa Naga City makaraang ilang araw din itong hindi ginamit dahil sa dami ng volume ng mga sasakyan kaugnay ng katatapos lamang na Penafrancia Festival. Pero nilinaw ni Gumba na meron namang mga traffic enforcers na naka-standby at handing mag-take-over kung sakaling magka-buhul-buhol ang traffic flow ng mga sasakyan.
Inabot ng nasa mahigit 3 kilometro ang linya ng mga sasakyang na-traffic sa 4-directional intersection sa San Felipe road, Magsaysay avenue, at Liboton – Penafrancia roads.
Dahil dito, daan-daang mga estudyante ang na-late sa kanilang mga eskwelahan at napakarami ring mga empleyado sa pribado at pampublikong opisina ang very late ng nakarating sa kani-kanilang opisina at maiinit pa ang ulo dahil sa stress sa traffic.
Nakakainis na nakakatuwang isipin na kung kelan nagkaroon ng mga traffic lights ay saka naman nagkakabuhul-buhol ang daloy ng mga sasakyan lalo na kapag rush hours simula alas 7 hanggang alas 9 ng umaga at alas 4 hanggang alas 6 ng hapon, kung kaya’t maraming mga pasahero ang nagrereklamo at nagrerekomenda na mabuti pa kung police trapiko at traffic enforcers ng public safety office na lamang ang mag-manage ng trapiko.

Facebook Comments