TRAHEDYA SA DAGAT | 16-anyos na binatilyo, nalunod sa dagat sa Bauang, La Union

38

La Union – Patuloy na pinaghahanap ng search and rescue team ang bangkay ng isang 16-anyos na binatilyo na nalunod sa dagat na sakop ng Barangay Taberna, Bauang, La Union.

Nakilala ang biktima na si Vicente Kulas, residente ng Barangay Baculungan Sur, Bugias, Benguet.

Sa ulat, kasama nito ang bugong kamag-anak na nag-picnic at naligo sa dagat pero tinangay ito ng naglalakihang mga alon kasama ang dalawang iba pa.

Nailigtas naman ng mga residente ang kasama nito ngunit hindi nila naisalba ang biktima.

Facebook Comments