TRAIN LAW | 5% petisyon para sa dagdag pasahe, pormal nang inihain ng Grab Philippines

Manila, Philippines – Pormal nang nagharap ng petisyon ang Grab Philippines sa Land Transportation Franchising Regulatory Board para sa limang porsyentong dagdag pasahe.

Ayon kay Leo Gonzales, spokesperson ng Grab Philippines, nasa 5 percent o piso bawat unang kilometro mula sa dating 10 to 14 pesos na per kilometer. Ito ay katumbas ng karagdagang maximum na 115 pesos sa kasalukuyang 100 pesos na pasahe.

Para sa susunod na kilometro ay 10 cents ang hinihinging dagdag mula sa dating 2 pesos.


Ayon kay Gonzales, ginawa nila ang petisyon sa harap ng pagmahal ng gasolina dahil sa mas mataas na excise tax na ipinataw sa petroleum products sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law .

Kung pagtibayin ito ng LTFRB, makakatulong aniya ang dagdag na pasahe para mas malaki ang maiuwing kita ng kanilang partner drivers sa kanilang pamilya.

Facebook Comments