Kalibo, Aklan — Patay ang driver ng tricycle matapos aksidenting mabangga ito ng Ford pick-up kagabi sa national highway ng Jaime Cardinal L. Sin Avenue, Brgy. Mabilo Kalibo, Aklan.
Nakilala ang biktima na si Cris Herradura, 30-anyos, residente ng Brgy. Malogo, New Washington habang ang driver ng Ford pick-up ay kinilalang si Aladin Vipinosa, 46 anyos, ng Brgy. Bayot Drive, Roxas City, Capiz pero pansamantalang nanunuluyan sa Hacienda Caridad Subdivision sa Brgy. Tigayon, Kalibo.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP na papuntang Pob Kalibo mula sa bayan ng New Washington ang pick-up ng maka head on collision nito ang tricycle ng biktima na papunta ring New Washington.
Dahil sa lakas ng pagkabangga ay nahati ang harapang gulong ng tricycle at tumilapon si Herradura na naging dahilan para magtamo ito ng fatal na pinsala sa ulo habang ang Ford pick-up ay nahulog sa kanal.
Mapalad naman na nakatalon agad ang buntis na misis ng biktima na si Mary Joy Herradura bago pa man mabanggaan ang kanilang tricycle pero nagtamo rin ito ng pinsala sa katawan na sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa hospital.
Nag responde sa lugar ang mga taga BFP Kalibo at MDRRMO Kalibo at agad dinala sa hospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Herradura
Sa ngayon ay detained sa Kalibo MPS ang driver ng pick-up para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments