Tricycle Driver sa City of Ilagan, Arestado sa Drug Buy Bust!

City of Ilagan, Isabela – Matagumpay na naaresto kahapon ang isang traysikel drayber matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Hindi nakawala ang suspek na kinilalang si Nikki Toribio Madria, dalawampu’t limang taong gulang at residete ng Brgy. Bagumbayan, City of Ilagan, Isabela.

Pinagsanib pwersa ng Ilagan Police Station at PDEA ang nagkasa ng operasyon at sa magagaitan ng isang nagpanggap na buyer na isa ring alagad ng batas.


Sa resulta ng operasyon ay nakuha ang isang pakete ng hinihinalang shabu, isang libong piso na marked money at isang unit ng smartphone.

Nasa himpilan na ng pulisya ang suspek at isinasagawa ang karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments