Trisikad driver timbog sa Droga

Timbog kamakalawa ng hapon ang isang trisikad driver matapos na mahulihan ito ng droga ng mga barangay officials ng Poblacion dos ni Kapitan Juhair Madag at ng PP1 na pinangunahan ni PCI Reynaldo Delanten. Kinilala ang suspect nasi Umal Salibo, nasa tamang edad at resident eng Estrella street ng nasabing barangay.Nakuha sa kanyang posisyon ang isang sachet ng shabu. Ayon sa report, matagal na umanong winarningan ng mga barangay official ang suspect na tumigil nasa kanyang Gawain illegal, subalit ay hindi parin nagbago hanggang sa nahuli ito pasado alas singko ng hapon.Siyay nakapiit na ngayon sa lock-up cell ng PP1 at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments