Trycycle driver, patay matapos pagbabarilin sa Sampaloc, Manila

44

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa kanto ng Fajardo St. at Loyola St. sa Sampaloc Manila.

Kinilala ang biktima na si Ariel Rivera Baloloy, residente at tricycle driver sa lugar.

Ayon sa Sampaloc police, nag-iinuman si Rivera kasama ang mga kaibigan kaninang pasado alas-12 ng hating gabi nang dumating ang suspek at kapitbahay na si Joel Olat, 34-anyos.

Nagreklamo si Olat dahil nakaharang sa kanyang parking area ang tricycle ng biktimang si Rivera.

Dahil dito nagkainiitan ang dalawa kung saan agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Sa ngayon ay pinaghahahnap pa ng mga awtoridad ang suspek.

Facebook Comments