Tsuper, Kulong sa Pagtutulak ng Droga sa Santiago City!

*Cauayan City, Isabela-* Sasampahan ngayong araw ng paglabag sa Sec 5 and 11, na may kinalaman sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang drayber matapos na mahuli sa pagtutulak ng iligal na droga sa isinagawang drug buybust operation ng otoridad sa City Road corner Palac Road, Buenavista, Santiago City.

Kinilala ang suapek na si Richard Eniva Reyes, 37-anyos at residente ng P-1, Divisoria, Santiago City.

Sa pinagsanib na pwersa ng City Drugs Enforcement Unit o CDEU, City Intelligence Branch o CIB ng SCPO sa pangunguna ni P/Maj. Alexander Rodrigo, Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Station 1 sa pangunguna rin ni P/Lt.Charlie Viernes ay nahuli sa buybust operation si Reyes.


Narekober sa pag-iingat ni Reyes ang isang pakete ng shabu, marked money na limang daang piso at pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang papel nang ito’y kapkapan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Reynaldo Maggay, Station Commander ng presinto uno ng SCPO ay posibleng na-neutralized na umano ang illegal na pagbebenta ng droga ng suspek matapos mahuli ito na kabilang sa PNP at PDEA watchlist.

Facebook Comments