Cauayan City, Isabela- Nasamsam ang hindi bababa sa P1,800,000 na halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana sa isang High-Value Individual (HVI) na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Kalinga noong September 28, 2022.
Sa ulat na ibinahagi kay PROCOR Regional Director, PBGEN MAFELINO A BAZAR, kinilala ang naarestong suspek na si Rolando Yag-ao, 32 anyos.
Siya ay inaresto ng magkasanib na operatiba ng Kalinga PPO at Regional PNP Drug Enforcement Unit (RPDEU) matapos itong magbenta ng 8 bricks ng pinatuyong Marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 15,000 gramo sa isang operatiba na nag panggap bilang poseur buyer.
Dinala ang suspek sa Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga PPO para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Sinampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Facebook Comments