TULOG PA! | Mga pulis na nakatalaga sa Anilao Municipal Police Station sa Iloilo, sinibak

132

Manila, Philippines – Sinibak ni Western Visayas Regional Director John Bulalacao ang lahat ng pulis na nakatalaga sa Anilao Municipal Police Station sa lalawigan ng Iloilo.

Ito ay matapos na maaktuhang natutulog habang naka duty nang magsagawa ng surprise inspection ang NAPOLCOM Region 6 kaninang madaling araw.

26 na pulis kabilang ang kanilang Chief of Police na si Police Senior Inspector Menrico Candaliza ang sinibak sa pwesto na agad na inilipat sa Personnel Holding Administrative Unit o PHAU sa Iloilo Police Provincial Office habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ipinalit naman agad kay Candaliza si Police Chief Inspector Ciriaco Esquiliarga habang may order na ang m Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office para sa replacement ng mga sinibak na tauhan ng Anilao MPS.

Facebook Comments