TULONG | Pantawid enrollment para sa mga college students, inirekomenda sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong ni Una Ang Edukasyon Partylist Representative Salvador Belaro ang pagbibigay ng emergency financial assistance para sa mga college students.

Naniniwala si Belaro na ito ang solusyon para sa tumataas na college drop outs sa bansa.

Ayon sa kongresista, maraming mga estudyante ang biktima ng bagyong Ompong at apektado ng pagtaas ng inflation kaya hindi malabong marami ang hindi makakapag-enroll ngayong 2nd semester.


Madalas na pinoproblema ng mga estudyante ang ibang bayarin at pangangailangan sa kanilang pag-aaral lalo pa at maraming kolehiyo ang apektado ng budget cut ng budget department sa Commission on Higher Education (CHED).

Inirekomenda ni Belaro partikular sa DSWD na magkaroon ng “Pantawid Enrollment” para sa mga college students na nangangailangan ng pinansyal na tulong para sa pag-aaral.

Kung hindi naman sapat ang pondo para dito ng DSWD, hiniling ng kongresista sa gobyerno na mag-develop ng ibang social benefit program sa ilalim ng TRAIN Law.

Inaatasan din ni Belaro ang CHED, Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities (PAASCU) at Association of Local Colleges and Universities (ALCU) na bumalangkas ng hakbang para mabawasan ang college drop outs sa bansa.

Facebook Comments